United States or Saint Pierre and Miquelon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nan~gagcacahalòhalò sa paglacad, na nan~gagcacasicuhan at nan~gagtutulacán ang m~ga alilang lalaking may dalang carne ó m~ga inahíng manóc, m~ga estudianteng nacaputî ang pananamit, m~ga lalaki't m~ga babae, na nan~gagsisipan~ganib na sila'y matahac n~g m~ga coche at m~ga calesa, na cahit sumisigaw n~g "tabì" ang m~ga cochero'y nahihirapan din silang macapaghawì n~g daan.

Punô n~g tao ang patio n~g simbahan: m~ga lalaki't m~ga babae, m~ga bata't m~ga matatanda, taglay ang lalong magagaling na pananamit, na nan~gagcacahalo-halò, pumapasoc at lumalabas sa makikipot na m~ga pintúan. Amóy pólvora, amóy bulaclác, amóy incienso, amóy paban~; pinatatacbó at pinasisigaw ang m~ga babae at pinapagtatawá ang m~ga batâ n~g m~ga bomba, n~g m~ga cohete at n~g m~ga buscapiés. Isáng banda n~g música ang tumútugtog sa tapát n~g convento, isáng banda namán ang naghahatid sa m~ga nan~gan~gatungculan sa bayan, ang m~ga ibáng banda'y naglilibót sa m~ga daang kinalaladlaran at winawagaywayan n~g maraming m~ga bandera. Lumilibang sa panin~gin ang liwanag at cúlay na sarisarì, at sa pangpakinig nama'y m~ga tínig at m~ga úgong. Hindî nagtitiguil ang m~ga campan

TALABABA: Basahin ang kay Alfred Russell Wallace na "The Malay Archipielago" =Ikawalong Pangkat.= =Pagbasa't Pagsulat.= Tungkol dito sa pagbasa't pagsulat, ayon sa m~ga mananalaysay, ay pawang marunong bumasa't sumulat ang m~ga lalaki't babae rito. Ang hitsura n~g sulat ay sulat-maláyo at di umano'y han~go sa sulat n~g m~ga taga Arabia.

Salita Ng Araw

macalampas

Ang iba ay Naghahanap