United States or Uganda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Punô n~g tao ang patio n~g simbahan: m~ga lalaki't m~ga babae, m~ga bata't m~ga matatanda, taglay ang lalong magagaling na pananamit, na nan~gagcacahalo-halò, pumapasoc at lumalabas sa makikipot na m~ga pintúan. Amóy pólvora, amóy bulaclác, amóy incienso, amóy paban~gó; pinatatacbó at pinasisigaw ang m~ga babae at pinapagtatawá ang m~ga batâ n~g m~ga bomba, n~g m~ga cohete at n~g m~ga buscapiés. Isáng banda n~g música ang tumútugtog sa tapát n~g convento, isáng banda namán ang naghahatid sa m~ga nan~gan~gatungculan sa bayan, ang m~ga ibáng banda'y naglilibót sa m~ga daang kinalaladlaran at winawagaywayan n~g maraming m~ga bandera. Lumilibang sa panin~gin ang liwanag at cúlay na sarisarì, at sa pangpakinig nama'y m~ga tínig at m~ga úgong. Hindî nagtitiguil ang m~ga campan
Salita Ng Araw