United States or Micronesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
"N~g icasiyam na oras n~g gabi n~g araw na icasampô nitóng buwan, araw na sinusundan n~g fiesta, pagcatapos n~g isáng masaráp at saganang hapunang inihandóg sa amin n~g Hermano Mayor, tinakhan naming lahát na m~ga castila't m~ga fraileng na sa convento, ang caaliw-aliw na tugtóg n~g musicang may casabay na nagsisiksicang caramihang tao at n~g úgong n~g m~ga cohete at malalaking bomba, at pinamamatnugutan n~g m~ga guinoo n~g bayan, ang tinutun~go'y ang convento upang cami'y sunduin at ihatíd sa lugar na nahahandâ at iniuucol sa amin at n~g doo'y panoorin namin ang catuwaang palalabasin."
¡Nararapat tayong lahát, cayó at acóng gunawin! Dalá pô ninyó riyan, guinoong capitan, ang isáng arrobang candílang gáling sa tindahan n~g insíc; may mahiguít n~g sampóng taóng aking ipinakikiusap sa bawa't bágong capitang bumíbili n~g pararrayos , at pinagtatawanan acó n~g lahát; gayón ma'y bumibili n~g m~ga "bomba" at m~ga "cohete", at nan~gagbabayad n~g m~ga repique n~g m~ga campán