Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 4, 2025
Nan~gagtutulacán, nagsisicsican, nan~gagdudurugan ang isá't isá, at nan~gagdarain~gan ang iláng lumálabas at ang maraming nagsisipasoc. Malayò pa'y iniuunat na ang camáy sa pagbabasâ n~g m~ga dalirì n~g túbig na bendita, n~guni't caguinsaguinsa'y dumárating ang isáng álon n~g pagtutulacán at napapalayô ang camay: Naririn~gig pagca nagcacagayon ang isáng án~gil, nagmúmura ang isáng babaeng nayapacan, datapuwa't hindî tumitiguil ang pagtutulacán. Ang iláng matandang lalaking naisasawsaw ang m~ga dalirì sa tubig na iyóng culay pusalí na, palibhasa'y naghúgas n~g camáy roon ang boong báyan, bucód pa sa m~ga taga-ibáng báyang doo'y dumarayo, ipinapahid ang túbig na iyón n~g boong pamimintacasi, baga mán sila'y nahihirapan dahil sa casicpán, sa caniláng bátoc, sa puyó, sa noo, sa ilóng, sa bab
Nan~gagcacahalòhalò sa paglacad, na nan~gagcacasicuhan at nan~gagtutulacán ang m~ga alilang lalaking may dalang carne ó m~ga inahíng manóc, m~ga estudianteng nacaputî ang pananamit, m~ga lalaki't m~ga babae, na nan~gagsisipan~ganib na sila'y matahac n~g m~ga coche at m~ga calesa, na cahit sumisigaw n~g "tabì" ang m~ga cochero'y nahihirapan din silang macapaghawì n~g daan.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap