United States or Ecuador ? Vote for the TOP Country of the Week !
RUBE. Sa aming sipi ay "rube" ang nakalagay, at hindi "rubí" gaya ng nasa iba. Walang makatitiyak kung alin ang katotohanan, bagama't ang "rubi" ay siyang wasto't tama. BINALAT-CAYO. Sa aming sipi ay may "capucha" o kudlit na biglang paimpit ang "yô"; kaya, tumutunog na pabigla at paimpit sa lalamunan ang pagbigkas.
At ang pag-iingat namin ay pinapagibayo sa pagsipi sa mga ginamit na kudlit sa mga pangdulo ng talata; mga kudlit, na gaya na nga ng dinaliri namin sa mga halimbawang ilinahad sa ika 25 paliwanag, ay malimit na "mapalagay kahi't na paano", bagama't may nangatutumpak din.
Sa halimbawang ito at sa marami pang sagana sa aklat ay mapagkikilalang noon pa man ay alam na ang halaga ng bawa't kudlit at kung paano ang tumpak na paggamit. Salakot (capucha o circunflejo) ang ilinagay sa "cayâ", sapagka't bigla at paimpit ang pagbigkas dito. Ang salakot ay siyang kayarian ng kudlit na pabigla (agudo) at ng paimpit (grave o gutural). At sapagka't pawang hindi pabigla, kundi paimpit lamang, ang pagbigkas sa dulo ng tatlo pang talatang kasunod "daquil