United States or Belize ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ito ang pinaka ikalawang at ikatlong tomo n~g ABOGADO NG BAYAN ni G. Honorio Lopez na kababasahan n~g Ley Munisipal, n~g Ley n~g Diborsyo, n~g Reglamento n~g Sabun~gan para sa m~ga Sentensiyador at m~ga mananabong at iba pang marami. PISO AT TATLONG PUNG SENTIMOS ang halaga. Ang m~ga bagong labas na Presidente at m~ga konsehal ay dapat bumili nito.

Sapagka't ang gumagawa n~g m~ga batas at m~ga kautusang sinusunod natín na ipinatutupad sa atin n~g m~ga tagapagpatupad: gaya n~g Gubernador Heneral, Alkalde sa Siyudad n~g Maynila, n~g m~ga Gubernador sa lalawigan at n~g m~ga presidente munisipal sa m~ga bayan bayan, ay m~ga gawâ n~g m~ga senador, diputado at m~ga konsehal na ating inihalal na ating pinagkatiwalaan n~g ating tiwala upang lumagdâ n~g m~ga kautusan at batás na ikabubuti nating lahat na mamamayang pilipino at n~g Pamahalaan natin.

¿Tayo bang mamamayan ay di maaaring makialam sa paggawâ n~g m~ga batas ó ley at m~ga kautusan ó ordenanza n~g ating m~ga inihalal na senador, diputado at konsehal?

Nariyan ang ikinatataas n~g m~ga buwis n~g lupa, ikinataas n~g Rentas Internas, ikinataas n~g m~ga bayad sa pahintulot o lisensiya munisipal. ang paglastay n~g salapi sa ibang bagay na di sa kagalin~gan n~g m~ga namamayan, ang di pagpapagawa n~g m~ga bangbang n~g tubig sa m~ga bukirin ibp. na, ang lahat n~g iyan ay pawang sa pananagutan at kasalanan n~g ating m~ga inihalal na diputado at m~ga konsehal.

Ito'y isang aklat na dapat mabasa n~g m~ga bagong konsehal, presidente, pulis at lalo na n~g m~ga mamamayang may m~ga tanda, magsasaka at man~gan~galakal. Naririto ang LEY NG DIBORSIO at ang REGLAMENTO SA SABUNGAN na dapat mabasa n~g m~ga sentensiyador, tahor at m~ga mananabong.

Salita Ng Araw

obat

Ang iba ay Naghahanap