Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Hulyo 25, 2026
Subali't hindi maikakait na ang "Masonería" at ang kaniyang m~ga kampon ay siláng nagsabog sa m~ga kalahi n~g m~ga kurong dakila ukol sa ikatutubós; silá, ang m~ga masón, ang masasabing nagturo n~g pagbibigkis n~g kalooban sa m~ga pilipino, upang humarap at makipaglaban sa loob n~g kapayapaan sa m~ga makapangyarihang lumulupig sa Lahi; ang m~ga kasapi sa "Masonería," ay silang nagpakilala sa pamahalaan sa España n~g m~ga masasamang palakad na pinaiiral dito, na siyang ikinalulugmok n~g bayan sa karukhaan, kaapihan at kabusabusan.
Ang sariling kapakanan at kagalin~gan n~g bawa't isa sa atin ay kailan~gang isailalim sa kapakanan at kagalin~gan n~g marami upang ang kabusabusan ay mawala at lumiwayway sa Silan~ganan n~g bayang manggagawa ang mabiyayang araw n~g Katubusan. M~ga kamanggagawa: Isigaw nating: ¡Mabuhay ang aklasan! ¡¡Mabuhay!! ¡¡¡Mabuhay!!! ang sigawan n~g lahat. Sino man ay walang magtataksil. ¡Wala ni sino man!
Lalong hindi ko matatanggap ang sinabi ninyong iyan; sapagka't nananalig pa rin ako, na samantalang ang pagmamahal sa sariling kapakanan at kagalin~gan n~g m~ga manggagawa sa Pilipinas ay di isinasailalim n~g kapakanan at kagalin~gan n~g marami, ang kabusabusan ay di mawawala at ang liwayway n~g katubusan ay di mamamanaág ...
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap