United States or Algeria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nahuhulog sa canyang malusóg na líig ang canyang m~ga buhóc na maiitim, mahahaba at hindî inaalagaan; napagwawarì sa m~ga cunót n~g canyang itimang barong damít na magaspang ang canyang macapangyarihang m~ga casucasuang sumapi sa canyang maugat at lilís na m~ga bísig upang magamit na parang isang balahìbong ibon lamang ang malapad at pagcálakilaking sagwang canyáng itinítimon upang mapatnugutan ang dalawáng bangcâ.
Hindî nagculang n~g nagdagdag na canyáng nakitang lumusong sa húcay ang isáng nacasuot n~g pananamít na itimáng catulad n~g sa m~ga franciscano. Hindî n~gâ mapag-aalínlan~ganan: si San Diego ang nanaog na iyón. Napagtantô rin namáng nakinig n~g misa si Ibarra, at ang lalakíng nanínilaw ay hindî; ito'y maliwanag na cawan~gis n~g sicat n~g áraw.