United States or Iran ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dámaso, na lalong inilacás ang voces at humaráp sa teniente. ¡Sinasabi co ang ibig cong sabihin! Acó, ang ibig cong sabihi'y pagca itinatapon n~g cura sa canyáng libin~gan ang bangcáy n~g isáng "hereje," sino man, cahi ma't ang hárì ay waláng catuwirang makialám, at lalò n~g waláng catuwirang macapagparusa. ¡At n~gayo'y ang isáng "generalito" , ang isáng generalito Calamidad ...!
¡Hindi co acalaing macapagbibigay sa akin n~g malaking capighatian ang bagay na ito! ang ibinulong ni pari Dámaso n~g tinig na tumatan~gis; datapuwa't sa dalawang casamaa'y dapat piliin ang pinacamaliit. At lumapit cay Linares at saca inilacas ang pananalita: Halica, bata, anya: causapin nata si Santiago. Namutla si Linares at cusang napahila sa sacerdote, na nag-iisipisip sa paglacad.