United States or Eswatini ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang ama ay may sáquit sa hospital, at ang anac na bunsô, na si Pablo ang n~galan, ay nahihigâ naman, at cahabaghabag ang lagay, sapagcat ang cataoan ay tuyóng tuyô, at butó at balat na lamang, at cun iburol, ay ualáng hindi magsasabi na ang batá ay bangcay na mistulá: at ang dumalao na médico, ay nan~gusap nang ganito sa ina: Ang anac mo ay mamamatay na ualáng sala: masasayang na totoo ang anomang ihatol, sapagcat ang sáquit niya ay hindi matatalo nang anomang gamot.