United States or Dominica ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ay ano'i, caguinsa-guinsá na sa panonoód niya, ay parang pinucao bagá ang caniyang ala-ala. Tinutóp nanga ang noó at nag uica nang ganito, abá at nalimutan co yaóng bilin nang leproso. Sa ibabá'i, tumingin siya ay may bahay ngang naquita, lumacad na capagdaca itóng príncipeng masiglá. Nang dumating sa hagdanan napatano capagconan, capagdaca ay dumungao isang ermitañong mahal.
Sa ibaba'i, tumanao ca may bahay cang maquiquita ang magtuturo ay siya doon sa ibong Adarna. Yaring limos mong tinapay ay cunin mo na don Juan, nang may canin ca sa daan sa láyo nang paroroonan. Anitong príncipe't, badyá ugali pagcabata na, na cun mailimos co na ay di co na quinucuha. Pinipilit na ibigay ang limos niyang tinapay, umalis na si don Juan siya'i, hindi pinaquingan.