Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 6, 2025
Higantí sa mayamang gumagá sa aming pagaari at humalay sa puri ni iná; higantí sa m~ga justiciang hindí nagtangol sa nilupigan, kundi bagkús nagpahirap sa naapí. Nang ako'y aalis na sa aming bahay ay siyang pagdating n~g isang taong nagsalita sa akin n~g ganitó: ¿Ikaw ba amáng ang anák ni máng Mundó? Opó.
Nang kinabukasan ay nakita sa buntón n~g abó ang katawáng tupók n~g mayamang kapitán. Nang kinabukasang iyón ay dapat sanang siya'y sumásaligaya, kung matatawag na kaligayahan din ang magpasasa sa kagandahan n~g isang babaying napilit lamang. ¡Kay daling humalay n~g kapalaran at kay daling magbago n~g kulay n~g isang pag-asa! N~guni't ¿saan napatun~go si Benita? Itó ang alamín natin.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap