United States or South Georgia and the South Sandwich Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Darating silang malakí ang pagcaibig na cumain! ang iniisip niya: malayò ang pinangagalin~gan at ang m~ga sicmúrang gutóm ay walang púsò. Pinakingan niyang magalíng ang lahat n~g in~gay, masdan natin at hinihiwatigan niya ang lalong mahinang yabag: Malacas at maliwanag ang lacad ni Basilio; marahan at hindî nacacawan~gis ang cay Crispin ang iniisip n~g ina.
Sinusundán ang canyáng matá at hinihiwatigan ang lahát niyáng m~ga kilos n~g isáng mapag-usisang tagabúkid: yao'y si Elias na dumaló rin doo't n~g panoorin ang "ceremonia"; halos hindî siyá makilala dahil sa canyáng salacót at sa anyô n~g canyáng pananamit. Pinagpilitan niyáng siya'y mapalagay sa lalong magalíng na lugar, halos sa siping n~g torno, sa pampang n~g húcay.
N~g matapos na ang unang utos na "ibiguin ang Dios na lalo sa lahat n~g bagay", hinihiwatigan siya ni tía Isabel sa ibabaw n~g canyang salamín sa mata, at ikinatutuwa niya ang anyong pagca nagdidilidili at nalulungcot. Banal na umubo, at pagcatapos n~g isang matagal na paghinto'y pinasimulan ang pan~galawang utos.