United States or Saint Martin ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nan~gagsiparoon ang m~ga capit-bahay, at macapal na m~ga tao ang siyáng lumiguid sa bangcáy, na nananatili sa pagpapaugóy-ugóy. Nan~gagsiratíng, nang may calahating horas na, ang isáng alguacil, ang directorcillo at dalawáng cuadrillero; ipinanaog n~g m~ga itó ang bangcáy at canilang inilagáy sa ibabaw n~g isang angarilla.
Ipinauunawa sa piloto, n~g tagapamatnubay na nacacaalam n~g daan, cung palusóng, cung cailan dapat yumucód ó gumapang; gayón ma'y hindi nalao't sila'y nan~gagsirating sa isang may anyong salas, na bahagya na naliwanagan n~g m~ga huepe, at ang nan~garoroo'y labingdalawa ó labing limang lalaking may taglay na m~ga sandata, marurumi ang m~ga mukha at cagulatgulat ang m~ga pananamit, na nacaupo ang m~ga ibá, ang iba nama'y nacahiga, at nagsasalitaan n~g bahagya.