United States or Guyana ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ipagparito co muna magcapatid na dalauá, ang paghanap sabihin pa cay don Juang bunsó nila. Sa mabuting capalaran sa Dios na calooban, canilang napatunguhan ang Armeniang cabunducan. Doon nga nila naquita ang bunsóng capatid nila, si don Diego'i, nag-uica na nang ganitong parirala. Cun dalhín ta si don Juan sa Berbaniang caharian, quita ang parurusahan nang haring ating magulang.
Si don Diego'i, sumansala yao'i, masamang acala, sa búhay na mauauala ni don Juang ating mutya. Nang ito'i, maipagturing nitong ibong nagniningning, naghalili siyang tambing balahibong icaanim. Ito'i, lalong cariquitan sa icalimang nagdaan, mahal na hari paquingán cay don Juang cahirapan. Ay ang pinagcaisahan nang dalauang tampalasan, ay umuguin ang catauan sa guitna nang caparangan.