United States or Belarus ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bakit may taglay ring munting kagandahan ang kiyas at tindig ay timbang na timbang mabuting man~gusap kaya't kaulayaw na lagi nang Dama't nang Princesang mahal. N~gala'y si Honrado nang abang binata ulila sa Ama't kapatid ma'y wala kaya ang kaniyang kaupahang madla ang sumusahod ay Inang nagaruga.
Usap nila'y patdin at ang isalaysay ay yaong dumating na bunying General hindi makilala ang tunay na n~gala't Konde de Kastilya kung tawagin lamang. N~guni't nagpasabi yaong Haring Ama na makipagkita ang Dama't Princesa sa General na panauhin nila't ugali nang man~ga mahal na talaga.