Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Hunyo 29, 2025


Caraniwang tinatawag na Nuestra Señora ang anó mang larawan ni Guinoong Santa María, na halos may mabilang na pamagát: Nuestra Señora del Carmen, cung may m~ga escapulario sa camay; Nuestra Señora del Rosario, cung may tan~gang cuintás; Nuestra Señora de la Correa, cung nacabigkís n~g balát, Nuestra Señora de Turumba, Nuestra Señora de Salambaw at iba pang lubháng napacarami.

Sa isáng dúlo n~g salas na napapapamutihan n~g maruruming m~ga "cortinang" pulá, natatagò ang larawan n~g hári, na nacasábit sa pader, nacapatong sa isáng tarímang cáhoy ang isáng lúmang sillóng nacabucá ang canyáng wasác na m~ga brazo; sa harapa'y may isáng malakíng mesang cáhoy na narurun~gisan n~g tinta na may m~ga úkit na m~ga salitâ at m~ga únang letra n~g pan~galan cawan~gis n~g marami sa m~ga mesa sa m~ga tindahan n~g álac at cerveza sa Alemania, na caraniwang paroonan n~g m~ga estudiante.

Nababahagui sa tatlong pitac: ang una, sa macatwid baga'y ang pasucan, ay isang malaking cabahayang tuwid, na may dalawampong metro ang haba at labing apat na metro ang luang; sa isa sa canyang m~ga taguilira'y may isang pintuang isang babae ang caraniwang nagbabantay, na siyang catiwala sa paninin~gil n~g sa pinto, ó cabayaran sa pagpasoc doon.

Nagbalic siyá sa pampáng at napatun~go sa bayan, ¿anó ang dahil? Siyá ma'y hindi niyá nalalaman. Tila mandin walang tao ang bayan; saráng lahát ang m~ga bahay, sampóng m~ga hayop, ang m~ga ásong caraniwang tumatahol cung gabí, pawang nan~gagtagò sa tacot. Nacararagdag n~g lungcot at pag-iisá ang anyóng pilac na liwanag n~g buwan.

Salita Ng Araw

cabezang

Ang iba ay Naghahanap