United States or Slovenia ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Pero que bruto" ang tugon namán ng galít sa rigodon. "Batid ninyóng lahát mga binibinì at ginóo," ang patúloy ni Gerardo "na dito sa ating báyan ay may isang kapisanang di pa nalaláon ay ítinayô ng kabatáan. Batíd din ninyóng lahat na sa mga sandalîng itó ang kapisánang iyán ay kasalukúyang naghihilik sa lálim ng pagkahimbing.