United States or Denmark ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hálos nan~gagagalac ang lahát, sinasanghod nilá ang mahínang amíhang untîunting napupucaw; sampóng ang m~ga ináng puspós sa paninimdim at m~ga pagpapaalaala'y nan~gagtatawanan at nan~gagbìbiruan silasilá. ¿Natátandaan mo bâ? anang isá cay capitana Ticâ ¿natátandaan mo bâ n~g tayo'y nan~galiligo sa ilog n~g panahóng dalaga pa tayo?
N~guni't yamang áayaw ninyóng sabihin, aking títingnan cung aking maisásaysay. Ang lan~git ay azul: nagpápagalaw n~g m~ga dáhon at n~g m~ga bulaclac n~g halamang gumagapang ang isáng malamig na amihang hindî amóy rosa, dahil dito'y nan~gagsisipan~ginig ang m~ga cabello de ángel ang m~ga halamang nacabitin, ang m~ga tuyúng isdâ at ang m~ga lámparang galing sa China.