United States or Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !
At kung ang madilim na gabing mapanglaw ay lumaganap na doon sa libin~gan't, tan~ging m~ga patay ang nan~gag lalamay, huwag bagabagin ang katahimikan. Ang kanyang hiwaga'y huwag gambalain: kaipala'y marin~gig doon ang taginting, tunog n~g gitara't salterio'y mag saliw, ako. Báyan, yao't, kita'y aawitin.
Araw kang nagban~gon sa himlayang palad at kinasilawan n~g aking banaag. Sa lan~git mo, ako ay balan~gáw lamang, sa ilaw mo, akó ang aninong tunay... Diwa mo sa aking diwa ay isilay at aawitin ko ang iyong pan~galan. Tulóy!... Hanggang ako'y di pa nagsasawang umawit sa lihim n~g m~ga hiwaga, ako'y kasama mong hahanap n~g pala.