United States or Austria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang man~ga batang tila patay, cun sila,i, sinisibulan nang n~gipin, ó cun dinaraanan nang convulsión, ó sapagca iniugoy ang malacas sa duyan ó naraganan nang canilang ina ó nang sugo noon, cun natutulog, ay hihipang agad sa bibig para nang uica co sa párrafo 465.
N~guni cun baga dahilan sapagca hindi marunong ang hilot, napacaaga ang pagputol nang pusod, at ang bata,i, hindi hungmihin~ga, at uala siyang pulso cundi tila patay, ay uusisain ang totoong dahilan noong ganoong caniyang lagay, ayon sa turo sa párrafo 465 at sa 466; at cun baga caya tila patay ang bata, sapagca siya,i, maraming dugo, ay cacalaguin pagcaraca ang tali nang pusod, at gagauin ang ibang man~ga bilin sa párrafo 465.