United States or Paraguay ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pag ang babaying sinusubaan ay nasaol-an na, ay hindi sucat itahan ang pag gamot doon, at ang saquit ay uuli rin caalamalám, cundi alisin ang pinacaugat na pinan~gagalin~gan noong hirap na yaon. Caya ang gagauin sa may cataua,i, gayon: Houag pacanin siya n~g marami, lalo pa cun gab-i. Ang pagpambo sa malamig na tubig ay totoong buti doon; ang pagtahan nang malauon nasa hihigan ay masama.
Pag nacaputoc na ang pigsa, at ang pinacaugat ay nacuha na, ay nauauala ang saquit; datapoua cun baga may natitira pang matigas doon sa sinisibulan nang pigsa, ay tapalang uli nang tinapay na dinurog, na pinataca,t, minasa sa gatas. Ito rin ang gamot sa sibol, na cun tauaguin nang tagalog ay pigsang daga. Ang gamot sa taguihauat, na cun turan nang castila ay carbunco.
Ang icalaua,i, ang pamamaga niyong litid na munti, na naroon sa pinacaugat nang man~ga n~gipin; ó cun minsan ang pamamaga naman niyong pinaca balat na matigas, na nasasapao sa man~ga n~gipin sa ilalim nang n~gidn~gid, at caya pati nang n~gidn~gid cun minsan sungmasaquit.