United States or Isle of Man ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pag nacaputoc na ang pigsa, at ang pinacaugat ay nacuha na, ay nauauala ang saquit; datapoua cun baga may natitira pang matigas doon sa sinisibulan nang pigsa, ay tapalang uli nang tinapay na dinurog, na pinataca,t, minasa sa gatas. Ito rin ang gamot sa sibol, na cun tauaguin nang tagalog ay pigsang daga. Ang gamot sa taguihauat, na cun turan nang castila ay carbunco.

Bagaybagay ang sungmisibol na masama sa catauan nang tauo, sa macatouid; ang pigsa, ang baga, ang tiboc, ang taguihauat, ang cancro, at ang iba pa na may canicaniyang pan~galan. Cun inaacalang may sisibol sa catauan, agad agad ay pacacactan sa linta yaong lugar na masaquit na namamaga na, ó palibot doon sa talagang sisibulan.

Ang taguihauat ay isang bagay na sibol na matigas, mapula pula, mainit, mahapdi at masaquit, na may ugat din para nang pigsa; datapoua ang taguihauat mayroon sa ibabao na tila lan~gib, at ang pigsa,i, ualang gayon. Ang gagauin sa sinisibulan nang taguihauat ay ang turo sa párrafo 240. Saca cun macaputoc, ay tapalan nang isang cabiac na lasonang inihao sa apoy, na mainit cun itapal.

At cun mayroon pang natitirang ugat ay mag-ihao ca nang isa ó dalauang palaca sa horno ó sa palioc; saca bayuhin mo at itapal sa sibol, at mabababao. Nota. Cun minsan pinan~gan~ganlan din nang tagalog na taguihauat ang cancro na sasaysain co n~gayon.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap