United States or Zambia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bagaybagay ang sungmisibol na masama sa catauan nang tauo, sa macatouid; ang pigsa, ang baga, ang tiboc, ang taguihauat, ang cancro, at ang iba pa na may canicaniyang pan~galan. Cun inaacalang may sisibol sa catauan, agad agad ay pacacactan sa linta yaong lugar na masaquit na namamaga na, ó palibot doon sa talagang sisibulan.
Datapoua cun mahirap ang damdam nang pinipigsa, ó cun ang pigsa,i, marami susundin muna ang bilin doon sa párrafo 240; at nang lumambot ang pigsa, ay tatapalan nang tinapay na n~ginuya, ó nang tinapay na dinurog na minasa sa caunting gatas nang anomang hayop. Cun ualang tinapay, ay matatapalan ang pigsa nang pataning binayo.
Ang taguihauat ay isang bagay na sibol na matigas, mapula pula, mainit, mahapdi at masaquit, na may ugat din para nang pigsa; datapoua ang taguihauat mayroon sa ibabao na tila lan~gib, at ang pigsa,i, ualang gayon. Ang gagauin sa sinisibulan nang taguihauat ay ang turo sa párrafo 240. Saca cun macaputoc, ay tapalan nang isang cabiac na lasonang inihao sa apoy, na mainit cun itapal.