United States or Panama ? Vote for the TOP Country of the Week !


¿Sino ang naghihintáy?... Siya ang mapaglagalág sa automobil, ang mapagamá-amáhan, ang kataástaásang punò sa Sangkapulúan, na kung bakit sa kanyáng pagdálaw kay Kápitang Memò, ay tinaón yátang talagá ang pangyayáring iyón! Si Gerardo ay nasugátan na namán. Si Kápitang Memò, ay animo'y kinakalambre. Papaáno ang pakikiharáp niyáng gagawin sa kanyáng punò? Kay lakí ngâ namáng kahihíyan nitó!

Nararapat niyang tanggapin ang pagdalaw n~g dalawa, upang huwag siyang mapintasan sa pakikipagkapwa, at upang mabatid tuloy ang sadya, at malaman kung ano't kung bakit si Gervasio ay kasama ni Pablo. Sa pamamagitan ni Serafina, ang dalawa'y ipinatuloy. At nagsipanhik. Sa haráp din n~g sulatan ni Mauro, pagkatapos n~g m~ga kailan~gang batian ay nagkaibayo sila n~g upo.

Kaya sa ganitong pangyayari ay di na niya lubhang pinagtakhan sapagka't baka ang pagdalaw niyang yaon ay nagkataon lamang na hindi agad siya nakita ng binibini. Kaya hindi niya dinamdam ang gayon. At, kung ang pagdating niyang yaon ay nakita ng ating binibini ay na sa durungawan pa ay agad ngingiti ang dalaga, sasalubong at siya kakawayan. Sa gayon, ang ating binata payapa rin ang loob.

Ayon sa paunang balita ni Lucas, dumating si Ibarra kinabucasan. Ilinaan niyá ang canyáng unang pagdalaw sa magcacasambahay ni capitang Tiago, at ang sadya niya'y makipagkita cay Maria Clara at ibalitang siya'y ipinakipagcasundo na n~g Arzobispo sa Religión: may dalá siyáng sulat sa cura, na doo'y ipinagtatagubilin siyá, na ang Arzobispo pa ang siyáng tumitic.

Nawaláng cabuluhán ang canyáng m~ga pagsisiyám, ó "novenario," ang canyáng pagdalaw sa Virgeng Caysasay sa Taal, sa hatol n~g m~ga mapamintacasi; ang pagbibigay niyá, n~g m~ga limós, ang pagsasayáw niyá sa procesión n~g Virgeng Turumbá, sa Pakil, sa guitnâ n~g mainit na araw n~g Mayo.

Datapuwa't sa pagca't nalalao'y humihigpit ang caguipitan, at pinapawi n~g canyang m~ga caibigan ang m~ga pag-aalap-ap niya, pinakinggan niya sila sa cawacasan, siya'y na pa sa m~ga lalawigan, nagpasimula siya n~g pagdalaw sa ilang m~ga may sakit, at sumisin~gil siya n~g alinsunod sa inihahatol sa canya n~g sariling budhi.

Ang bagay na lihim ay huag mong ihayag, at sa kata-kata ikaw ay umilag, at huag mong purihin ang iyong kausap, at huag mong libakin ang di mo kaharap. Piliin ang oras sa m~ga pagdalaw, at di ang sa gawing pagkaing agahan, di ang sa tanghali, di ang sa hapunan, di ang sa pagtulog at gawang kailan~gan.

Ang di ko pagdalaw sa iyo hindi nagkakahulugan ako'y lumalayo't nililimot ko na ang pinagsamahan, Hindi gayon Luring ... kung bagama't hindi kita nadadalaw, ang alaala ko'y sumasa iyo at ikaw ang laging nagugunamgunam.

Dinun~gaw ni Serafina, at nang makita at makilalang si Gervasio at si Pablo ang tumawag ay agad na sinabi kay Mauro. Natigilan si Mauro at hindi agad nakakibo. Inisip niyang huwag tanggapin ang pagdalaw n~g dalawa, pagka't mandi'y nasusuklam siyang makiharáp sa kasama ni Gervasio ... Datapwa't madali siyang nagbago n~g akala.

Kaya't gayon din lamang ang naghaharing bulungbulungan ay tinangka na niya ang magpaalam. At, isa pa ay itatanong sa kanya kung ano ang kahulugan ng mga hiwagang yaon datapwa't hindi naman niya masagot kaya't nagtindig na siya at sinabing: Leoning, hanggang sa muli. Hwag mo sanang limutin ang muli mong pagdalaw dito.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap