United States or Saint Kitts and Nevis ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nararapat niyang tanggapin ang pagdalaw n~g dalawa, upang huwag siyang mapintasan sa pakikipagkapwa, at upang mabatid tuloy ang sadya, at malaman kung ano't kung bakit si Gervasio ay kasama ni Pablo. Sa pamamagitan ni Serafina, ang dalawa'y ipinatuloy. At nagsipanhik. Sa haráp din n~g sulatan ni Mauro, pagkatapos n~g m~ga kailan~gang batian ay nagkaibayo sila n~g upo.
Ang iyong kaibiga'y kung magkakasakit, ay manaka-nakang dalawin mong saglit; at kung datnan siya n~g m~ga ligalig, gayon di'y dalawin, aliwin sa hapis. Sa araw n~g binyag ó kapan~ganakan n~g iyong matalik na m~ga kaibigan, sila'y batian mo n~g masayang liham, mahiksi ang sukat, n~guni at malaman.
Dapat na maunang mag-alay n~g kamay ang nakatataas sa pagkakamayan; sa m~ga batian ay gayon din naman, di sukat mauna ang natataasan. Kaya ang babayi'y siyang nararapat mag-alay n~g kamay sa makakau-sap sapagka't saan mang m~ga paghaharap, ang babayi'y siya ang nakatataas. Gayon man ay dito'y nakagawian na ang m~ga lalaki'y siyang nan~gun~guna.