United States or Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !


Gayon na lamang ang kanyang kasiyahang loob. Dumating ang takdang oras. Magara ang damit ng ating binata at bagay na bagay sa kanyang tindig. At, anong palad na pagkakataon ang nawika sa sarili. Natanaw niya sa may durungawan si Leoning. Anong palad nga naman! Ang kanilang mga paningin ay karakang nagkasalubong: nginitian agad siya at boong lugod na inanyayahang pumanhik.

Kaya sa ganitong pangyayari ay di na niya lubhang pinagtakhan sapagka't baka ang pagdalaw niyang yaon ay nagkataon lamang na hindi agad siya nakita ng binibini. Kaya hindi niya dinamdam ang gayon. At, kung ang pagdating niyang yaon ay nakita ng ating binibini ay na sa durungawan pa ay agad ngingiti ang dalaga, sasalubong at siya kakawayan. Sa gayon, ang ating binata payapa rin ang loob.

Inaasahan niyang pagkatanaw na sa kanya ang pagkaway na wari bang sinasabing: "Halika". Datapwa't malapit na siya sa tinitirahan ni Leoning, ay hindi pa niya nakikitang ang binibini ay sumungaw man lamang sa durungawan. Wala kaya roon? Nasaan kaya ang dating ugali ni Leoning na malayolayo pa ang binata ay sinasalubong na agad ng kaway at ngiti?

At nagalit ka sa nagsipanukso sa atin, kaya't bubulongbulong kang nakyat at ako nama'y maligayang umuwi sa amin. Kinabukasan. Pagbabangon ko sa hihigan, ay una kong tinanaw ang durungawan ng iyong silid. Nakabukas ang isang dahon at nakita kong bihis ka na. Noo'y mag-iikapito na ng umaga, oras ng pagpapasukan sa paaralan.

At si aling Rita pati ay nakilahok na sa usapan nila at sinabing: Hwag ka sanang makalilimot ng pagparito. Hindi po. At nanaog na ang ating binata. Sa durungawan ay muli pang nagdulot si Leoning ng isang ngiting puno ng pagasa para kay Eduardo na habang natatanaw at naaabot ng kanyang titig ang binata ay di naaalis ang pagkakapako ng kanyang paningin.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap