United States or United Arab Emirates ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang lagnat na sucab, caya ganoon ang pan~galan, ay sapagca malaqui ang pan~ganib nang maysaquit, at saca cun tingnan, ay anaqui munti ang caniyang saquit. Caya naquiquilala itong lagnat na masama, sapagca ang maysaquit ay pagcaraca,i, mahina at malata na, gaua nang malaquing pagcabuloc nang man~ga bagay na iquinahuhusay nang cagalin~gan nang catauan nang tauo.

Cun hindi rin nauauala ang pagcabuloc nang daliri, ay ipaputol sa marunong ang casangcapang nasasactan, pag naquiquitang tungmahan na ang pagcabuloc, at hindi na lungmalaqui, sapagca masamang putulin hangang may nabubuloc pa. Ang gamot sa baga, na cun turan nang castila,i, apostema. Ang pinan~gan~ganlang baga nang tagalog ay isang sibol na mapula pula cun bago, masaquit, mainit at ga tungmitiboc.

Ang m~ga sugat na lauon ay hindi sucat bahauin pagcaraca, ani Tissot, sapagca marami ang namamatay nang biglang pagcamatay dahil doon. Ang man~ga sugat na lauon ay gaua cun minsan nang palo, ó nang bucol ó sibol na hindi guinamot n~g paanyo. Cun minsan naman dala n~g escorbuto ó dala nang pagcabuloc nang catauan.

Cun ang saquit ay lungmaqui pa mandin, ay nan~gabubuloc ang man~ga n~gipin; ang maysaquit ay linalabsan nang dugó sa iba,t, ibang lugar nang catauan; ang caniyang man~ga paa, pati nang ibang man~ga casangcapan nang catauan ay linalabsan nang mancha, na iba,t, iba ang color; saca nagsusugat nang masamang pagcasugat ang catauan niya, lalo pa ang man~ga hita; at pagca malubha na ang maysaquit, ay nalalagnat nang lagnat na ética , at ang iquinamamatay niya ay ang pag-iilaguin, ó ang pamamaga nang caniyang catauan ó ang pasmo, ó ang desmayo, ó ang pagcabuloc nang caniyang bituca.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap