United States or Macao ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun ang saquit ay lungmaqui pa mandin, ay nan~gabubuloc ang man~ga n~gipin; ang maysaquit ay linalabsan nang dugó sa iba,t, ibang lugar nang catauan; ang caniyang man~ga paa, pati nang ibang man~ga casangcapan nang catauan ay linalabsan nang mancha, na iba,t, iba ang color; saca nagsusugat nang masamang pagcasugat ang catauan niya, lalo pa ang man~ga hita; at pagca malubha na ang maysaquit, ay nalalagnat nang lagnat na ética , at ang iquinamamatay niya ay ang pag-iilaguin, ó ang pamamaga nang caniyang catauan ó ang pasmo, ó ang desmayo, ó ang pagcabuloc nang caniyang bituca.
Ang isip nang nag-aalaga sa maysaquit na yaon ay mamamatay, cundi pacanin nang man~ga bagay na magaling; caya binibigyan nang masarap na sabao, itlog, broas, carne, at nang iba pa, na paraparang masama sa maysaquit, at caya na-aalamang masama, ay cun minsa,i, lungmalaqui ang lagnat pagca cain noon: ó siya,i, sungmusuca, nag-iilaguin, nasisira ang bait, at linalabsan nang mancha, para nang pinaiinom mandin nang lason.