United States or Qatar ? Vote for the TOP Country of the Week !


Gayon na lamang ang pagkamangha ng dalawang kaharap, sa kinatawang nagsasalita at kung bakit nga nama't ayaw pang ipagtapat agad ng lubusan ang kanyang sasabihin. Nang kayo ay unang makilala ko, G. de la Rosa, ay buhat pa noong kayo ay magtamo ng First Prize sa ginanap na talumpatian ng mga nagtatapos sa kolegio ng pagkamanananggol sa maaliwalas na Grand Opera House.

At maiba ko po naman ang ating usapan ang patuloy ni Fely hindi po ba kayo ang G. de la Rosang nagtagumpay sa nakaraang oratorical contest ng Philippine Law School noong araw na gininap sa Grand Opera House? Kung may ipaguutos po. Samakatuwid nga pala ay di nagkamali ang aking hinala. Nang sa ano pong bagay? Na kayo nga ang G. de la Rosang mapagwagi at mapagtagumpay.

Samantalang para kay Leoning ay isang karangalan sa sarili ang gayong pagkabatid niya sa mga ginintuang damdamin ng kanyang Eduardo. Karangalan niya ang isang Eduardo kung gayon. Nasa kanya ang pagasa at maningning na tagumpay ng bayan at lahi. Ako'y naroon G. de la Rosa sa loob ng Opera nang kayo ay magtamo ng unang ganting pala ng tagumpay ninyo.

Mangyari'y hindi mo kami hinahanap ang parang may tampo mong pakli. ¿Paano ko kayong hahanapin ang salo ko naman sa hindi ko naaalamang paparito kayo? Ang tatay mo'y nagyayang makinig ng serenata. Tayo'y tumungo sa kinalalagyan ng bandang tumutugtog ng sari-saring opera at nang tayo'y naroon na'y bumili ako ng lansones sa isang magmamane sa tapat ng La Perla.

Oo, sapagka't hindi ka bibili ng hindi masarap at ang masarap sa iyo ay masarap din sa akin. Katatapos mo pa lamang mag-salita'y siya namang pagpaparinig ng banda ng isang mainam na opera. Habang pinakikinggang ko ang tugtuging iyon ay parang nananariwa sa aking gunita ang mga pangalan ng operang akin nang napanood at naalaala kong yao'y ang "Sandugong Panaginip".

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap