United States or Micronesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Isa sa mga bata ay humilig sa balikat ni Mikhail na nasa tabi ng dungawan at nagsabing: Tignan mo, Mikhail, naito ang isang tindera na may kasamang dalawang batang babae; tila mandin paparito sa atin. Isa sa mga batang babae ay pipilay-pilay. Pagkarinig ng mga salita ng bata ay iniwan ni Mikhail ang gawain at dinungaw.
Leoning, iwan mo na ako, hala iwan mo na, tingnan mo siya, iwan mo na ako, oras nang darating ang aking manggagamot. Oo, Eduardo aalis na ako, nguni't paparito uli ako. Leoning, huwag na. Hindi Eduardo, kita mapababayaan. Kaya asahan lagi kitang dadalawin. Leoning sa ibang araw na. At, hindi na tinugon ni Leoning ang pangungusap ni Eduardo at sa labi ay inilagda ang isang halik bago pa nanaog.
Mangyari'y hindi mo kami hinahanap ang parang may tampo mong pakli. ¿Paano ko kayong hahanapin ang salo ko naman sa hindi ko naaalamang paparito kayo? Ang tatay mo'y nagyayang makinig ng serenata. Tayo'y tumungo sa kinalalagyan ng bandang tumutugtog ng sari-saring opera at nang tayo'y naroon na'y bumili ako ng lansones sa isang magmamane sa tapat ng La Perla.