United States or Guyana ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡Tatawagin pa ba namang "mapagwaging makata," kung hindi talagang karapatdapat sa ganyang palayaw! ang agaw naman n~g tila higante sa taas at laki. ¡Mabuhay ang mapalad! ¡Mabuhay ang mapagwagi! ang katlo pa n~g nakasalamin.

Leoning, hindi sa pagpuri ng harapan ay masasabi ko sa inyong si G. de la Rosa ay isang mapagwagi sa katalinuhan na siyang karapatdapat putungan ng laurel ng tagumpay. At pagkasabi nito ng kinatawan ay tinapunan ng isang tingin ng ating binibini ang binatang pinapurihan. Ang tinging yaon na may kahalong ngiti ay nangahulugan para kay Eduardo ng isang pangarap na puno ng pagasa at buhay.

At maiba ko po naman ang ating usapan ang patuloy ni Fely hindi po ba kayo ang G. de la Rosang nagtagumpay sa nakaraang oratorical contest ng Philippine Law School noong araw na gininap sa Grand Opera House? Kung may ipaguutos po. Samakatuwid nga pala ay di nagkamali ang aking hinala. Nang sa ano pong bagay? Na kayo nga ang G. de la Rosang mapagwagi at mapagtagumpay.

At, oh! palad, di pa nga naglilipat saglit ay nangusap na si Fely Ester sa kaibigan niyang Leonora at sinabing: Leonora, ipinakikilala ko sa iyo si G. de la Rosa, ang batangbatang magiging manananggol na mapagwagi. Halos mahimatay ba wari si Leoning. G. de la Rosa? oh! ang ngalang ito ay nakatitik ng ginto sa kaibuturan ng kanyang puso. Si Eduardo pala ang naibulong sa sarili ni Leoning.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap