United States or Philippines ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang may kagagawan nito ay nagkaroon din ng takot, kaya hindi maaaring ilihim niya sa mata ng tao ang kanyang kasalanang nagawa. Hindi maaaring ilihim niya sa harap ng tao ang kanyang kasalanan. Nagkasala siya, siya ay namaril. Samakatuwid ay isang kasalanan ang ganito. Sa pagkakabaril niya ay nagkasala ang kanyang sarili sapagka't ang pinatatamaan niya ay nakailag.
Ah, samakatuwid nga pala ay di nagkamali ang aking sarili sa pagpapalagay na sila sabay turo sa kaharap iyan ay nakilala ko na. Ang ngalang iyan Bbg. Leoning ay nakilala ko na noon pang mga buwang nakaraan. Nakilala na ng kinatawan? At, kayo po pala ay nagkatagpo nang minsan nila? Oo, lamang, ang pagkakakilala kong yaon ay di paris ng sa ngayong kami ay nagkaabutan ng kamay.
Ang sabi sa kanya ay isang dalaga ang dadalawin? Samakatuwid ay maliwanag niya ngayong nabatid na siya ay pinagtataksilan ni Leonora. Pinagsusukaban pala siya at ganap na nilapastangan ang pagkalalaki. Sumilakbo ang kanyang dugo at nagdilim ang kanyang pangmalas. Hindi niya sukat akalain ang lahat ng iyon! Si Fely raw! Oh! taksil na Leonora! Sukab na babae!