United States or Benin ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang sabi sa kanya ay isang dalaga ang dadalawin? Samakatuwid ay maliwanag niya ngayong nabatid na siya ay pinagtataksilan ni Leonora. Pinagsusukaban pala siya at ganap na nilapastangan ang pagkalalaki. Sumilakbo ang kanyang dugo at nagdilim ang kanyang pangmalas. Hindi niya sukat akalain ang lahat ng iyon! Si Fely raw! Oh! taksil na Leonora! Sukab na babae!
Ang mga panooring makabago sa kanyang pangmalas ay para bang madali niyang pinagsasawaan. Ang mailaw na siudad ng Maynila ay di niya maituring na kaligayahan ng puso. Pumapasok ngayon siya sa paaralan ng mga may kasanayan sa pagbuborda. Twing umaga ay inihahatid siya ng auto ni mang Alejandro sa kanyang pinapasukan na nakatayo sa daang Heneral Solano, sa San Miguel.
Hindi nga! Hindi na niya maaaring sundin pa siya. Napopoot sa kanya ang lalaking yaon! Lason ngayon siya sa pangmalas ni Mang Pepe. Saan siya pupunta? Kay Teofilo? Marahil, at ang kanyang tinungo'y ang tahanan ng batang kawani. Doon siya sasama sapagka't iyan ang nakakatugon ng kanyang puso sa pagibig. Iyan ang kanyang kaligayahan, hindi si mang Pepe.
Waring nasiyahan pa ang kanyang puso pagka't naglaho na sa kanyang pangmalas ang asawang kanyang isinumpa.
Salita Ng Araw