United States or Slovakia ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡¡Ayaw kami!! ang sigawang napakalakás n~g lahat. Kung gayon anang pan~gulo pa rin ¿ano ang ibig ninyong gawin? ¡Magsiaklás!... Itó ang sagutan n~g lahat. At ang alin~gawn~gaw ay lumaganap na naman. Untiunting nagkakain~gay; at hanggang sa pagkailang sandali ay hindi na halos magkamayaw.

Talastás na ninyóng acó'y isá sa anim na nakipaglibing sa bangcáy; acó ang humarap sa Capitan General n~g aking makitang ang lahát dito'y hindî umíimic sa gayóng calakilakihang capusun~gán, gayóng cailán ma'y minamagaling co ang paunlacán ang táong mabait cung nabubuhay pa cay sa cung patáy na. ¿Cung gayó'y bakit?

Ipatawad po ninyo, guinoo, ani Elías, na may calungcutan pagcakita sa canya; ipatawad po ninyong nacapan~gahas acong cayo'y anyayahan upang tayo'y magcatagpo n~gayon; ibig co po cayong macausap n~g boong calayaan, at hinirang po ang ganitong sandali sa pag-ca't walang macaririn~gig sa atin dito: macababalik tayo sa loob n~g isang oras.

Acó naman, ang sabi n~g bóong cataimtiman ni capitana María, cung acó ang gaya ninyóng mayaman, pababayaan cong maglacbay bayan ang aking m~ga anac; sila'y m~ga bat

Guinoo, ibig cong maalaman cung gaano ang inyóng ibabayad sa mag-anac na nan~gulila sa aking capatid. ¿Ibabayad? ang inulit n~g binata, na di napiguil ang sama n~g canyang loob; pag-uusapan na natin itó. Bumalic po cayó n~gayon hapon, sa pagca't nagmamadali acó n~gayón. ¡Sabihin po lamang ninyó cung gaano ang ibig ninyóng ibayad! ang pinipilit itanong ni Lucas.

Ang ama. Hindi n~ga ibang bagay, at cung mayroon cayong sucat pasalamatan sa aquin balang arao, ay itong paghihirati co sa ínyo na cayo,y, matutong magtiis, cundi ninyo quinacamtan ang totoo ninyong pinagnanasaan.

N~guni't makikita rin ninyóng hindî siyá ang magbabayad cung hindî ang m~ga sacristán. Sa tuwituwi na'y cumacain ang canyáng m~ga panauhin sa ibáng lugar. ¡Sinang! ang ipinagwicâ sa canyá ni Victoria. Totoóng aco'y galít sa canyá mulâ n~g iwasac ang "Rueda de la Fortuna," hindî na acó man~gun~gumpisal sa canyá.

¿At n~g pasaibang lupaìn acó? ang isinalabat ni Ibarra. Upáng manatili cayó sa capayapaan sa natitira pa ninyóng búhay. May m~ga caibigan cayó sa España, cayó'y mayaman, macapagpapa indulto cayó. Sa papaano mang paraan, ang ibang lupai'y isáng bayang sa ati'y lalong magalíng cay sa sarili. Hindi sumagót si Crisóstomo; naglininglining na hindi umiimic.

Sa catotohana'y ¿ano ang guinagawa sa inyong masama? ¿na canyang dinaraya ang m~ga hindi marunong mag-in~gat na m~ga "indio"? Sila'y magpacatalino. Siya'y isang caawaawa; huwag po ninyong alisin sa canyang bibig ang pagcain; cayo sana'y mag-asal mabait na castila!"

Lumin~gap si don Filipo sa canyáng paliguid at humahanap n~g sa canya'y tumulong ay canyáng nakita si Ibarra. Guinoong Ibarra, ¡para na ninyóng awa! ¡Sila'y inyóng sansalain, samanatalang humaharap acó n~g m~ga cuadrillero! Anó ang aking magagawa? ang itinanong n~g binata, na natitigagal, datapuwa't malayo na ang teniente mayor.