United States or Chad ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang makata lamang ang tumugon: Wala po namang anoman ang pinaguusapan namin ... mahiyahiyang wika na nilakipan n~g isang masayang n~giti. ¿Ano n~ga ba ang inyong dinaramdam, at bakit baga may tali kayo sa ulo? itinanong naman n~g manang. Saka lamang naipaliwanag ni donya Basilia sa kanyang kumare ang kanyang natatalos sa bagay na iyon.

Sumunod sa ganitong napalakas na salita ni donya Basilia ay biglang nagtaas n~g ulong parang nagulat ang isang matandang babaeng nasa kabila n~g pinto n~g silid na hinaharap n~g pagkakaupo ni Elsa. ¡Dios ko! ang pabulalas na sigaw na narinig n~g dalawang naguusap. Kumare, malakas na tawag ni donya Basilia sa nasa silid.¿Bakit? Ang matanda ay muling nahiga, bago tumugon.

N~guni't hindi ganyan ang paghahaka ni kumare, saka lalong hininaan ang pagsasalita, Sa katunaya'y ibinigay sa "La Compañia de Jesus" si Teang sa himok n~g paring iyon bago napaalis sa X.... ¿At si Teang po ba'y nasa kolehio n~gayon? Matagal na; at siyang sadyang dadalawin n~g kanyang ina, itinaon na lamang tuloy sa pagdating ni Quezon ang pagluwas dito.

Oo, at ako naman ang dumadalaw rito, yamang sinoman sa inyo'y walang nagagawi sa aming matagaltagal na. Ibig naman daw n~g kumare ko na magkitakita tayong minsan pa, ikinatlo ni donya Basilia pagkarinig sa himig n~g ganyang payapa nang paguusap, kaya ba pinigil ko na tuloy na dito na matulog si Elsa kagabi. ¿Nagagalit ka ba sa kanya? ang tanong pa.

Wala, kumare, nanaginip lamang pala ako. Para ko bang nakitang ang anak ko'y nilalapitan n~g tatlong lalaking may sun~gay. Panaginip n~ga lamang iyan; matulog na kayong muli. Nang hindi na tugunin ang ganitong saad ay itinanong naman ni Elsa sa kanyang ale: ¿Sino, tia, ang matandang iyon? ang bulong. Si kumareng Magda, paanas na sagot n~g itinanong. ¿Si manang Magda? ¿At kailan pa po rito?

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap