United States or Cocos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Samantala, ang nangyaring pagkakabawi sa kolehio kay Teang, saka ang hindi pagkaganap n~g pan~gako ni Tirsong paglalathala sa pahayagan n~g larawan n~g marilag na babaeng iyan na nagtagumpay sa timpalak ay hindi sa nabanggit na makata lamang nakababahala kundi gayon din sa m~ga manunulat sa pahayagang pinagtagumpayan, saka sa di iilang kaibigang tumangkilik sa natukoy na kandidata.

N~guni't hindi ganyan ang paghahaka ni kumare, saka lalong hininaan ang pagsasalita, Sa katunaya'y ibinigay sa "La Compañia de Jesus" si Teang sa himok n~g paring iyon bago napaalis sa X.... ¿At si Teang po ba'y nasa kolehio n~gayon? Matagal na; at siyang sadyang dadalawin n~g kanyang ina, itinaon na lamang tuloy sa pagdating ni Quezon ang pagluwas dito.

Salamat, Tirso ... Huminahon ka't napawi na ang sigwa.... ¿Lumabas ka bang kusa sa kolehio? ang tanong na naman n~g inang manghangmangha sa nangyari sa anak.

Kami ni tia ay may dadalawin sa ospital heneral n~gayon, at ibig ko sanang sumama muna kayo sa amin saka na tayo magsamasamang tumun~go sa kolehio panggagaling natin doon. ¿Sino ang dadalawing iyon? Saka na ninyo makikilala.... Kung gayo'y magbihis na tayo. Pagkaganap n~g salitaang ito, ang isa't isa ay nagsipagbihis nang sabik ang loob sa kanilang m~ga dadalawin.

Ang mabuti'y ganito: walang pagsalang yayain kitang dumalaw kay Teang sa kolehio n~gayong umaga; gawin mo naman, bago ka pumayag, ay anyayahan siyang sumama sa kanilang dumalaw sa ospital, at kapag naroon na'y bahala na siyang mapamangha sa kanyang makikita at ikaw nama'y wala nang gagawin kundi ang sumagot na lamang sa kanyang m~ga sasabihin.

Kung sino ang dapat makabatid niyan ay siyang dapat makapagsabi, ang sunggab ni Elsa. ¡Ikaw! ang tukoy ni Tirso sa mestisa. ¡Ikaw! ang batik naman ni Elsa sa makata. Tila narinig ko kung kanino na siya'y inauwi sa probinsia, n~guni't ito naman yatang si Elsa ang nagsabi sa aking minsan na siya ay nasa kolehio, ang badya naman ni Dioni. ¿Nasa kolehio? anang lalaki.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap