United States or Senegal ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun uala,i, na-aari ang isang tabong cauayan, na binubutasan sa taguiliran sa dacong itaas, nang masootan doon isang caputol na cauayang munti, na munti rin ang butas, na, yaon ang ipapasoc nang maysaquit sa caniyang bibig, nang macasipsip siya nang sin~gao nang mainit na tubig na isisilid sa tabo.

Itong ganitong cauad ay ipapasoc sa lalamunan nang palapad at pag nacalalo na sa tinic, ay pipihitin nang caunti nang macuha,t, masungquit yaong nacacahirap sa maysaquit. Cun hindi rin nacucuha yaong nadoroon sa lalamunan nang maysaquit, ay mabuting sumpiting bigla sa lalamunan nang isang sumpit na munti; sapagca cun minsan ay mag-uubo ang may catauan, at lalabas ang nacabibiquig sa caniya.

Cun mayroong tauo, na lungmalabas ang caniyang tumbong ó pouit, ay pinararapa muna at pinatataas ang pig-yi; saca ang mangagamot ay babasain nang lana ang caniyang man~ga daliri, at ang tumbong ay caniyang ipapasoc sa loob na marahan dahan; pagca napasaoli na sa loob, ay tapalan nang basahang babad sa tubig na pinaglagaan nang balat nang granada, ó duhat ó camachiles, bago talian nang isang tali na may apat na dulo.

Ang dulo nang isang cauayan ay ipapasoc sa pouit nang nalunod; pagcayari na ito,i, omip-ip ca nang tabaco, at ang usoc ay iyong paraanin doon sa cauayan patuloy sa pantog ó buche nang manoc, na pipisilin mo nang mapatun~go sa loob nang catauan nang tauo. Itong ganitong pagsumpit nang usoc nang tabaco ay gagauin nang mahabang panahon hangan sa masaol-an nang buhay ang tila patay.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap