United States or Italy ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itong ganitong cauad ay ipapasoc sa lalamunan nang palapad at pag nacalalo na sa tinic, ay pipihitin nang caunti nang macuha,t, masungquit yaong nacacahirap sa maysaquit. Cun hindi rin nacucuha yaong nadoroon sa lalamunan nang maysaquit, ay mabuting sumpiting bigla sa lalamunan nang isang sumpit na munti; sapagca cun minsan ay mag-uubo ang may catauan, at lalabas ang nacabibiquig sa caniya.
Cun ang napatahan sa lalamunan ay carayom, paco, man~ga bot-ong matilos, ó singsing, ó caputol na pingan, ay aatuhin muna ang paghan~go noon, ayon sa turo co sa párrafo 356 at sa 357, at cun hindi mangyaring macuha, ay itutulac nang pailalim niyong cauad na baluctot, na itinuro co sa párrafo 356, ó pucpuquin nang camay ang licod nang maysaquit.
Totoong buti naman ang isang cauad na tanso, na ang isang dulo ay baluctutin nang caunti parang binuit; yaong isang cabilang dulo ay binabaluctot din nang mahauacang maigui sa camay ang pagca baluctot nang magcabilang dulo ay patatamain capoua sa isang taguiliran, nang maalaman ang calagayan nang cauad cun nadoroon sa lalamunan.