United States or Equatorial Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itong ganitong cauad ay ipapasoc sa lalamunan nang palapad at pag nacalalo na sa tinic, ay pipihitin nang caunti nang macuha,t, masungquit yaong nacacahirap sa maysaquit. Cun hindi rin nacucuha yaong nadoroon sa lalamunan nang maysaquit, ay mabuting sumpiting bigla sa lalamunan nang isang sumpit na munti; sapagca cun minsan ay mag-uubo ang may catauan, at lalabas ang nacabibiquig sa caniya.
Cung lungmingsad ang liig nang tauo, ay mamamatay pagcaraca, cundi gamuting madali; caya ang gagauin doo,i, pahihigain nang patihaya sa sahig, at ang mangagamot ay lulucloc doon din sa sahig sa ulunan nang maysaquit; saca hahauacan nang caniyang dalauang camay ang ulo nang maysaquit, at pagcaraca caniyang babataquin, at pipihitin nang caunti nang mangyaring tumama sa datihang quinasusuutan.