United States or Saudi Arabia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun uala,i, na-aari ang isang tabong cauayan, na binubutasan sa taguiliran sa dacong itaas, nang masootan doon isang caputol na cauayang munti, na munti rin ang butas, na, yaon ang ipapasoc nang maysaquit sa caniyang bibig, nang macasipsip siya nang sin~gao nang mainit na tubig na isisilid sa tabo.
Cun ang tayin~ga,i, mayroon isang tila balat na nacatataquip doo,i, binubutasan din nang lanceta, houag lamang palalimin ang paghiua. Ang man~ga bata, na hindi macapag-uica nang malinao, sapagca doon sa ilalim nang dila mayroong isang pinacatali, pagca gayon ay guinugupit ang tali n~g gunting na munti. Datapoua houag puputulin ang m~ga ugat na malalaqui, na nadoroon sa piling.
Ang batang babayi na may sara ang caniyang punong catauan, ay binubutasan din nang lanceta, bago sootan doon sa lugar na yaon nang isang caputol na tingang mabilog at maicli, na may dalauang pinacatayin~ga, nang matalian sa bayauang nang bata; at houag aalisin muna hangang di mabahao ang sugat at nang houag madaiti uli ang m~ga tabi nang butas.
Salita Ng Araw