United States or Bermuda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Siya'y naglulucsó, naggagalaw, ibig niyang sa gayóng gawa'y gagarin siyá ni Sisa. Naririnig sa dacong malayo ang música n~g procesióng tumutugtog n~g isáng marchang malungcót at dakila, datapuwa't naglulucso ang guinoong babae n~g catacot tacot na ang sinusunod ay ibang compás, ibang música ang tumútunog sa loob n~g canyáng budhi.
Dahándahán n~ga at matimtiman ang lacad n~g procesióng inaacbayan n~g ugong n~g m~ga bomba at n~g tinig n~g m~ga cantá at músicang tungcol sa religióng ilinalaganap sa impapawid n~g m~ga banda n~g músicang sumusunod sa licurán n~g bawa't carro.
Lumakí si María Clarang pinacaiirog n~g lahát, sa guitnâ n~g m~ga n~giti at pagsinta. Ang m~ga fraile ma'y linalarô siya pagcâ isinasama sa m~ga procesióng puti ang pananamit, nalalala sa canyang malagô at culót na buhóc ang m~ga sampaga at m~ga azucena, may dalawang maliliit na pacpac na pilac at guintóng nacacabit sa licuran n~g canyang pananamít, at may tan~gang dalawang calapating puting may m~ga taling cintas na azul. At sacâ siya'y totoong masaya, may m~ga pananalitang musmós na calugodlugod, na si Capitang Tiago, sa cahiban~gan n~g pag-ibig, ay walang guinagaw