United States or Turkmenistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun sa escuela may pumasoc na sacerdote, capitan, mahal na tauo ó matandá, ay tumindig, magbigay nang magandang arao, ó magandang hapon, at houag uupó hangang hindi pinaguutusan. Ang galang na ito,i, houag icahihiyang gauin, sapagca,t, ang cagalan~gan ay capurihán nang gumagalang, at di sa iguinagalang.
Cun papasoc sa isang halaman, ay houag man~gahas muti nang man~ga bulaclac, mitas nang bun~ga nang man~ga hálaman, cun di pinaguutusan nang may ari. Cun may papanhiquing bahay, ay houag darampot nang anomang casangcapan, ó laroan caya, sapagca,t, isang capan~gahasan. Cun ang bata,i, may casamang matandá, ay houag tutulinan ang lacad, at alalahanin ang cahinaan nang caniyang casama.