United States or Sri Lanka ? Vote for the TOP Country of the Week !
Talagang ganyán ang mga naghahabol at umuusig sa ngalan ng Matwíd, sa ngalan ng Dangál, sa ngalan ng isáng dalisay na Pag-ibig! Parating buháy ang Pag-asa! Papaano'y buháy na lagi ang pananalig na, sapagka't katwiran ang hánap, ay may isáng makatwirang Bathal
Papaáno'y ang boông pag-iisip ni Kápitang Memò ay nabubuntón sa isásakdál na mulâ, nang tamáan ng kanyáng matá ay pinasikdósikdó ang loob niyá nang gayón na lang. ¡Kanyá mandín natatandâan ang húbog ng pangangatawán ng amerikánong itó!... Túnay nga kayáng ito'y si ... si ... si Stag? Habang nagtatagál ang kanyang pagmamasíd ay lalò at lalòng nakikilála ang pinagmamasdán.
Ito ang sa wakás ay sumurì sa naaantalang usapín at pagkatapos na mádinig ang mga pangangatwíran ng báwa't isa ay inilagdâ ang kanyáng maayos na hátol. Si Stag ay nagkamít ng mabigát na parúsa: multá at bilanggô. Dapwa't, anó pang parusa! Maánong napanindig ang balahibo ni Stag! Papaanó'y mayroón siyang isang kristo-krístuhang inaasahan! Si Kápitang Memò ang nanagót sa multá. At sa bilanggô?