United States or Equatorial Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sukat itó, upang ang higing n~g isang malakas na suntók na lumagpag sa mukha n~g isang tao, ay marinig n~g lahat. Nagkagulo; at ang munting lipunang yaon ay nagpanuntukan. Subali't ilang sandali pa at ang panuntukang yaon ay naging panglahat. Ang pangkat n~g iilán, na kinabibilan~gan ni Mauro, ay nagigitna sa pangkat n~g karamihan na kinabibilan~gan naman nina Pablo at Gervasio.