United States or Japan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang bagay at dahilan nang pagsulat co sa iyo, iniirog cong anac, ay nang maalaman co sa iyo rin, cung totoo, ó dili caya ang balitang dumating sa amin nang tatay mo; na di umano,i, icao ay panoo,t paganoon; na icao ay iba na sa dati; na ang ugali mo ñgayon ay malayong-malayo sa inuugali mo rito, at iba,t, iba pa. Houag mong ilihim sa aquin, anac cong guilio, ang totoong asal at tayo mo riyan.