Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Oktubre 5, 2026
Na siyá'y cásundò n~g Gobierno, ang baga'y na itó'y hindî dapat pag alinlan~ganan, bagá man tíla mandín may cahirapang itó'y mangyari. Waláng cáyang umísip n~g anó mang bagong bagay, nagágalac na sa canyáng casalucuyang pamumuhay, cailán ma'y laguing laang tumalima sa catapustapusang Oficial quinto sa lahát n~g m~ga oficina, maghandóg n~g m~ga hítang jamón, m~ga capón, m~ga pavo, m~ga bun~gang cáhoy at halamang gáling sa Sunsông sa alin mang panahón n~g isáng taón. Cung náririn~gig niyáng sinasabing masasamâ ang m~ga tunay na lahing filipino, siyáng hindî nagpapalagay sa sariling dî siyá dalisay na tagalog, nakikipintas siyá at lálò pa manding masamâ ang canyáng guinagawang pagpul