United States or Liberia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang capurihan nang mahal na tauo ay na sa pagmamahal sa asal, at pagpapaquita n~g loob, paninihag nang puso nang tauo; n~guni ang pagmamalaqui at pagmamataas, ay tandang pinagcacaquilanlan nang caiclian nang isip, at pinagcadahilan nang pagcapoot nang caniyang capoua.
May isa namang pagpapaquita nang loob na may halong pag-imbot, na di ang hinahan~gad ay ang tunay na pagiibigan, cun di ang siya,i, maquinabang sa tinatauag na caibigan. ¡Malupit na pagibig na laban sa mahal na asal!
Houag magpaquita nang calupitan sa pagnanasang igalang nang tauo, sapagca,t, hindi ang catampalasanan, cun di ang pagtunton sa matouid, at pagpapaquita nang magandang loob, ang iguinagalang at minamahal nang tauo. Mahal man, at cun malupit, ay di mamahal, cun di quinalulupitan, at pagca talin~gid ay pinag lililohan nang caniyang pinaglulupitan.