United States or Czechia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Lubós n~gang naguing magcaaway na totoo ang "Fraile" at ang "Progreso" : calabisán ang alín man sa dalawa. Minamagalíng n~g m~ga filipino ang "Progreso." Datapowa't cung alisín ang fraile; ¿alín ang "lacás" na icapipiguil sa paghiwalay n~g colonia? At sa ganito'y ¿di baga dapat na ipalagáy na "sospechoso" ang filipinong magmunacalang magwacsì n~g "lacás" n~g fraile?
Ang m~ga "convento" ay nagsikilos, ang m~ga pinunong kastila ay paraparang nagsusumikap sa pagbibintang na ang m~ga "logia," ay walang linalayon kundi ang paghiwalay n~g Pilipinas sa España. Ang bun~ga n~g lahat n~g ito ay ang pagsisiyasat sa m~ga bahay bahay n~g m~ga mason, ang pagpapabilanggo, pagpapatapon sa malalayong bayan sa m~ga magiting na kampon n~g "Masonería."