Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Hulyo 9, 2026
Sino cayang di maidlip sa gayong tinig nang voces, cun marinig nang may saquít ay gagaling siyang pilit. Macapitong hintó bagá, ang caniyang pagcacantá, pitó naman ang hichura balahibong maquiquita. Nang matapos nganing lahat yaong pitóng pagcocoplas, ay tumáe namang agad itong ibong sadyang dilág.
Ang príncipeng si don Juan inailag ang catauán, hindí siya tinamaan para nang unang nagdaan. Siya nangang pagtúlog na nitong ibong encantada, ang pacpac ay nacabucá dilát ang dalauang matá. Nang sa príncipeng matátap nagtahan nang pagcocoplas, umac-yat na siyang agad sa cahoy na Piedras Platas. Nang caniya ngang maquita ang pacpac ay nacabucá, dilát ang dalauang mata nilapitang capagdaca.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap